Solo Artists: Johnoy Danao at Reese Lansangan
Si Johnoy Danao ay isang kompositor, manunulat, at kumakanta. Siya ay isang live acoustic performer at may dalawang album na nangangalang Dapithapon at Samo't Sari. Isa siya sa 3D na kumanta ng Burnout na binubuo ni Johnoy Danao, Ebe Dancel, at Bullet Dumas na kapwa magagaling na musikero. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang Ikaw at Ako, Dapithapon, at Pagbigyan. Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habangbuhay Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Pakinggan ang musika ni Danao: Ikaw at Ako ni Johnoy Danao Iyan ay nasa lyrics ng Ikaw at Ako na likha ni Johnoy Danao. Kung papakinggan ang kanyang musika tila'y kay sarap umibig at magmahal muli. Ramdam ang bawat salita at lyrics sa kanyang mga kanta lalo noong kinanta niya iyon ng live noong ika-29 ng Setyembre taong 2017 sa SM Naga City parking lot. Kilala si Reese Lansangan hindi laman...