Solo Artists: Johnoy Danao at Reese Lansangan

    Si Johnoy Danao ay isang kompositor, manunulat, at kumakanta. Siya ay isang live acoustic performer at may dalawang album  na nangangalang Dapithapon at Samo't Sari. Isa siya sa 3D na kumanta ng Burnout na binubuo ni Johnoy Danao, Ebe Dancel, at Bullet Dumas na kapwa magagaling na musikero. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang Ikaw at Ako, Dapithapon, at Pagbigyan.


Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habangbuhay
Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Pakinggan ang musika ni Danao: Ikaw at Ako ni Johnoy Danao

     Iyan ay nasa lyrics ng Ikaw at Ako na likha ni Johnoy Danao. Kung papakinggan ang kanyang musika tila'y kay sarap umibig at magmahal muli. Ramdam ang bawat salita at lyrics sa kanyang mga kanta lalo noong kinanta niya iyon ng live noong ika-29 ng Setyembre taong 2017 sa SM Naga City parking lot.



      Kilala si Reese Lansangan hindi lamang dahil sa kanyang musika kundi pati na rin sa kanyang pagiging aesthethic sa pananamit at sa kanyang mga music video. Hindi lamang siya singer songwriter kundi siya ay isa ring graphic at fashion designer. Ilan sa mga kanyang kanta ay ang Home, Exploration 5, at Grammar Nazi.


      Noong nalaman namin na magkakaroon ng Meet and Greet kasama sa Reese Lansangan, agad namin kinuha ang pagkakataon na malapitan at makausap sila. Halos lampas alas dose na at mahaba ang pila ngunit hindi namin ininda ang antok at pagod.






Meet & Greet

Reese Lansangan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay, Musikang Pilipino !