Up Dharma Down


    Ang Up Dharma Down o mas kilalang UDD ay isa sa mga sikat na banda sa Pilipinas. Sila ay nabuo noong 2004. Ang bandang ito ay binubuo nina Armi Millare (vocals, keyboard, at rhythm guitar), Carlos Tanada (lead gutar) , Ean Mayor (drums), at Paul Yap (bass guitar). Kilala ang UDD sa kanilang mga sikat na kanta tulad ng Tadhana at Oo.



      Noong ika-23 ng Setyembre, pinarinig ng Up Dharma Down ang kanilang munting musika sa mamamayan ng Naga City sa parking lot ng SM. Libo-libong tao ang dumalo sa concert ng UDD. Mula 6pm ay mahaba na ang pila sa tapat ng SM at halos 10pm na lumabas at kumanta ang UDD. 


      Ito ang pinakauna kong dinaluhan na concert at kasama ko ang aking mga kaibigan na nakinig ng napakagandang musika ng Up Dharma Down. Siksikan, mainit, at nakakangalay pero nakakasulit ang pagod nang marinig na namin ang kanilang musika.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mabuhay, Musikang Pilipino !