Ben&Ben
Ang Ben&Ben ay isang folk indie band na binubuo ng siyam na miyembro. Ang kambal na sina Miguel at Paolo Guico (vocals at acoustic guitar), Poch Baretto (electric guitar), Jam Villanueva (drums), Agnes Reoma (bass guitar), Patricia Lasaten (keyboards), Toni Munoz at Andrew de Pano sa percussion, at Keifer Cabugao (violin). Sila ay kilala sa kanilang mga kanta tulad ng Maybe the Night, Bibingka, Kathang Isip, Leaves at marami pang iba.
Noong ika-10 ng Pebrero pumunta ang Ben&Ben sa Naga. Sila 7pm ay pumunta na kami sa Bora Hut kung saan sila ay may gig ngunit alas dose na ng umaga nang sila ay lumabas at kumanta. Sobrang lapit namin sa kanila at rinig na rinig namin ang kanilang mga instrumento at tinig. Kami ay antok na at pagod sa kakahintay ngunit sila ay tumugtog ay tila naglaho ang aming pagod at antok. Kay sarap pakinggan ng musika ng Ben&Ben kasama ng mga kaibigan at ng minamahal (kung meron man). Nakakalungkot lamang dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpapicture sa kanila pero sa magandang perspektibo nakakuha ako ng maraming video at nasaksihan ko ang kanilang pagtutugtog ng live. Hanggang ngayon ay tila sariwa pa ang aking alaala at rinig ko pa rin ang kanilang musika sa aking mga tenga.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento