Mabuhay, Musikang Pilipino !
Mga
banyagang musika tulad ng American, British, Japanese, at Korean music ay
unti-unting sinasakop ang Pilipinas. Masasabi na mas kinikilala at
tinatangkilik ng mamamayang Pilipino ang mga banyagang musika kahit minsan ay hindi
nila maunawaan ang lyrics nito.
Marahil dahil sa mga nakakaakit na tono at musika na maganda sa pandinig o sa
mga sikat na mga taong kumakanta na hinahangaan ng maraming tao.
Dahil
sa mga umuusbong na banyagang musika, naglalaho na ang pagtangkilik ng mga
Pilipino sa sariling musika. Ang mga sikat na banda noong 90’s at 2000’s tulad
ng Parokya ni Edgar, Kamikazee, 6CycleMinds, Silent Sanctuary, at marami pang
iba ay tila naglalaho na. Napalitan na ng mga artista ang Musikang Pilipino
tulad nina Daniel Padilla, Vice Ganda, Kim Chiu at marami pang iba na
masasabing hindi naman talaga marunong kumanta pero may sariling album. Ito ay
nagresulta ng pagbabash at di
pagkagusto ng mga Pilipino sa sariling musika.
Ngunit
tila nagbago ang ihip ng hangin at muling nabuhay ang musikang Pilipino. IV of
Spades, Ben&Ben, Ang Bandang Shirley, Up Dharma Down, Oh Flamingo! at SUD
ay ilan lamang sa mga nagsusulputang banda sa Pilipinas na masasabing
nagpapalaganap ng musikang Pilipino. Nariyan din ang mga solo artists tulad nina Moira Dela Torre, Reese Lansangan, Clara
Benin, Johnoy Danao at marami pang iba. Sila ang mga tinatangkilik at
kinikilalang OPM artist na muling bumuhay sa musikang Pilipino.
Ang mga musika na kanilang nililikha ay tinatangkilik ng masa lalo na ng mga millenials. Marahil dahil sa intrumentals lalo na sa mga solo bass guitars. Mga lyrics na tila relatable sa mga nakikinig nito. Mga musika tungkol sa pag-ibig, bansa, at marami pang iba.
Ang mga musika na kanilang nililikha ay tinatangkilik ng masa lalo na ng mga millenials. Marahil dahil sa intrumentals lalo na sa mga solo bass guitars. Mga lyrics na tila relatable sa mga nakikinig nito. Mga musika tungkol sa pag-ibig, bansa, at marami pang iba.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento