Mga Post

Solo Artists: Johnoy Danao at Reese Lansangan

Imahe
    Si Johnoy Danao ay isang kompositor, manunulat, at kumakanta. Siya ay isang live acoustic performer at may dalawang album   na nangangalang Dapithapon at Samo't Sari. Isa siya sa 3D na kumanta ng Burnout na binubuo ni Johnoy Danao, Ebe Dancel, at Bullet Dumas na kapwa magagaling na musikero. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang Ikaw at Ako, Dapithapon, at Pagbigyan. Ikaw at ako, pinagtagpo Nag-usap ang ating puso Nagkasundong magsama habangbuhay Nagsumpaan sa Maykapal Walang iwanan, tag-init o tag-ulan Pakinggan ang musika ni Danao:  Ikaw at Ako ni Johnoy Danao      Iyan ay nasa lyrics ng Ikaw at Ako na likha ni Johnoy Danao. Kung papakinggan ang kanyang musika tila'y kay sarap umibig at magmahal muli. Ramdam ang bawat salita at lyrics  sa kanyang mga kanta lalo noong kinanta niya iyon ng live noong ika-29 ng Setyembre taong 2017 sa SM Naga City parking lot.       Kilala si Reese Lansangan hindi laman...

Ben&Ben

Imahe
      Ang Ben&Ben ay isang folk indie band   na binubuo ng siyam na miyembro. Ang kambal na sina Miguel at Paolo Guico (vocals at acoustic guitar), Poch Baretto (electric guitar), Jam Villanueva (drums), Agnes Reoma (bass guitar), Patricia Lasaten (keyboards), Toni Munoz at Andrew de Pano sa percussion, at Keifer Cabugao (violin). Sila ay kilala sa kanilang mga kanta tulad ng Maybe the Night, Bibingka, Kathang Isip, Leaves at marami pang iba.       Noong ika-10 ng Pebrero pumunta ang Ben&Ben sa Naga. Sila 7pm ay pumunta na kami sa Bora Hut kung saan sila ay may gig  ngunit alas dose na ng umaga nang sila ay lumabas at kumanta. Sobrang lapit namin sa kanila at rinig na rinig namin ang kanilang mga instrumento at tinig. Kami ay antok na at pagod sa kakahintay ngunit sila ay tumugtog ay tila naglaho ang aming pagod at antok. Kay sarap pakinggan ng musika ng Ben&Ben kasama ng mga kaibigan at ng minamahal (kung meron man)....

Up Dharma Down

Imahe
    Ang Up Dharma Down o mas kilalang UDD ay isa sa mga sikat na banda sa Pilipinas. Sila ay nabuo noong 2004. Ang bandang ito ay binubuo nina Armi Millare (vocals, keyboard, at rhythm guitar), Carlos Tanada (lead gutar) , Ean Mayor (drums), at Paul Yap (bass guitar). Kilala ang UDD sa kanilang mga sikat na kanta tulad ng Tadhana at Oo.       Noong ika-23 ng Setyembre, pinarinig ng Up Dharma Down ang kanilang munting musika sa mamamayan ng Naga City sa parking lot ng SM. Libo-libong tao ang dumalo sa concert  ng UDD. Mula 6pm ay mahaba na ang pila sa tapat ng SM at halos 10pm na lumabas at kumanta ang UDD.        Ito ang pinakauna kong dinaluhan na concert  at kasama ko ang aking mga kaibigan na nakinig ng napakagandang musika ng Up Dharma Down. Siksikan, mainit, at nakakangalay pero nakakasulit ang pagod nang marinig na namin ang kanilang musika.

Mabuhay, Musikang Pilipino !

     Mga banyagang musika tulad ng American, British, Japanese, at Korean music ay unti-unting sinasakop ang Pilipinas. Masasabi na mas kinikilala at tinatangkilik ng mamamayang Pilipino ang mga banyagang musika kahit minsan ay hindi nila maunawaan ang lyrics nito. Marahil dahil sa mga nakakaakit na tono at musika na maganda sa pandinig o sa mga sikat na mga taong kumakanta na hinahangaan ng maraming tao.      Dahil sa mga umuusbong na banyagang musika, naglalaho na ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa sariling musika. Ang mga sikat na banda noong 90’s at 2000’s tulad ng Parokya ni Edgar, Kamikazee, 6CycleMinds, Silent Sanctuary, at marami pang iba ay tila naglalaho na. Napalitan na ng mga artista ang Musikang Pilipino tulad nina Daniel Padilla, Vice Ganda, Kim Chiu at marami pang iba na masasabing hindi naman talaga marunong kumanta pero may sariling album. Ito ay nagresulta ng pagba bash at di pagkagusto ng mga Pilipino sa sariling musika.   ...